Martes, Enero 17, 2017


Related image



MGA TALULOT NA DUGO

(Nobela mula sa Kenya)
Salin ni Romeo G. Dizon ng Petals of Blood ni Ngũgĩ wa Thiong'o
Sinuri ng Pangkat Cleopatra 






TUNGKOL SA MAY-AKDA
  • Mga Talulot na Dugo o Petals of Blood ay isinulat ni Ngũgĩ wa Thiong'o na pinanganak sa Kenya sa pamilya ng magsasaka. Mga Talulot ng Dugo ay unang nobela ni Ngugi na sinulat sa loob ng limang-taon na panahon. Sa una nagsimula siya habang nagtuturo sa Northwestern University taong 1970. Pinagpatuloy niya ang nobela pagkatapos niyang bumalik sa Kenya, at tinapos niya ito sa Yalta bilang isang panauhin ng Soviet Writers' 'Union. Nagawa niya ang nobela sa mga nagaganap na inhustisya at hindi pagkapantay-pantay sa lipunan ng Kenya. Ang nobelang ito ay ang huling ginawa ni Ngugi na nakasalin sa salitang Ingles. Ang kanyang nobelang Mga Talulot na Dugo ay tumukoy sa "pampanitikan-pampulitika", marahil dito inaresto siya noong Disyembre 30, 1977. Simula noon, iniwan niya ang wikang Ingles at ginamit ang wika ng kanyang bayan, Gikusyu

URI NG PANITIKAN
Ang "Mga Talulot na Dugo ay isang nobela na binubuo ng may mga katangiang tumutukoy sa:
  • Larangan ng buhay- Tulad ng ginawa ni Ngũgĩ wa Thiong'o sa akda niya, base ito sa katotohanan na may layuning mabuksan ang mga mata ng mambabasa ukol sa totoong nangyayari sa tao/lipunan. at nasasalamin sa nobelang ito kung ano ang naranasan ng may akda.
  • Malalim- gumamit ang awtor ng mga matatalinhagang salita at pangungusap upang mas mapaisip ang mga mambabasa sa nais talaga nitong iparating o dipende sa perspektibo ng mambabasa.
  • Maayos at maliwanag- ang balangkas, mga bantas, mga tagpuan, atbp ay naiintindihan.
  • Maraming ligaw na tagpuan- hindi lamang iisa ang tagpuan/panahon.
  • Pumupukaw sa damdamin ng mambabasa- naaakit, nakaka "relate" ang mababasa o naire "relate" ng mambabasa ang kuwento tungkol sa sa buhay

  • Sa pamamagitan ng mga katangiang ito ay masasabi nating malikhain ang ang nobelang Talulot ng Dugo dahill naipahayag ni Ngũgĩ ang nais niyang iparating.


 LAYUNIN NG AKDA

TEORYANG SOSYOLOHIKAL
  • Ang layunin nang nobela na ito ay ipakita ang kalagayan at suliranin sa Africa at pekulyar na kultura nito, ang kanilang mga paniniwala, mga ritwal, diwa ng pamayanan at ugnayan ng mga indibidwal para mawasto at mawala ang ibba`t ibang pinsalang idinulot ng pananakop ng mga Eoropeo. Ituturing ang nobelang ito bilang halimbawa kung papaano nilabanan ng mga mamamayang Aprikano ang sitwasyon na nangyare noong pananakop nang mga Eoropeo, lalo na sa papel na ginampanan nang mga pangunahing tauhan. Bagama`t nanggaling ang bawat isa sa ibang antas ng buhay, lahat ay may namumukod na pagtingin at kalutasan sa panlipiunang problema.




TEMA O PAKSA NG AKDA

FICTION dahil hindi totoo ang mga tauhan, mga taagpuan, at mga nangyari. Ngunit masasalamin ito sa nangyayari sa buhay noon sa bansang Aprika.

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

Godfrey Munira Unang dumating sa Ilmorog sakay ng isang kabayong bakal.
Nademi - Ang espiritu ni Murina minsa’y nagtanod sa baying Ilmorog bago dumating ang imperyalismo.
Abdulla - Isang demonyo

TAGPUAN/PANAHON

  • v  1960 paglilimi ni munira nang may kauunting kabiguan
  • v  Panahon ng mga Eoropeo na nananakop sa Afrika.
  • v  Ilmorog- kung saan unang dumatin si Godfrey Munira
  • v  Paaralan at akasya- may tumaeng matanda
  • v  Tagaytay-Dito tumatakbo minsan si Munira
  • v  .Palengke- mapagkukunan ng asin at paminta atbp.
  • v  Kapitolyo ng distrito ng Chiri- Patungo doon si Munira.
  • v  Taniman ng kape-Na dating pagmamay-ari ng mga puti.

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

(Masasabi mo bang may pinapahayag ang nobela? Ito ba'y ginawa lamang ayon sa kathang-isip o base sa katotohanan? May malalim bang kahulugan ang mga linyang binitawan? Sa haba ng nobela, may isa bang linya na nakahaplos ng iyong puso?)
Ang nobelang ito ay may pangkaraniwan at hindi pangkaraniwang pangyayari. Sa bawat salita ng nobela ay may malalim na kahulugan at ipinahihiwatig.
Ipinapahayag sa nobelang ito ang mga nangyayari noon hanggang ngayon. Isa sa mga linyang binitawan ay "—isang uri ng daan— na ngayon ay hindi nag-iwan ng bakas ng dati niyang mapanghuthot na kabantugan" na ang ibig sabihin ay ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalakbay kahit na ilang beses siyang nasugatan o nadapa, ang daang nagbigay sa kanya ng hinanakit pero sa huli'y nagbigay sa kanya ng pag-asa.

MGA KAISAPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Dahil ito'y malalim mahirap itong intindihin sa una at kailangan mo pa na suriing mabuti upang maintindihan ito,  mahahasa naman ang iyong utak na magisip ng malalim at ito’y nagbibigay-buhay at nakakatulong upang maintidihan lalo ang akda. 
              
                 1.       “Iniwan tayo ng ating mga kabataan tinawag sila ng kumikinang na bakal.”
2.      “Ang mga kamay ng isang Msomi ay mismong isang aklat.”
3.      “Mga kamay na hindi dadapuan ng lupa, wari bang may suot silang mga ngome.”
4.      “Hindi ako natitiyak kung ang iba’y hindi pa nagsisimulang atupagin lang ang kanilang mga tiyan.’’
5.      “Hindi ako makapagsalita para sa bawat isa-pero waring mayroon waring mayroon pa ring kasigasigan at isang paniniwalang makakagawa kami ng mga bagay para maging tuna yang ating kalayaan.”
6.      “Isang uri ng daan na ngayon ay hindi nag-iwan ng bakas ng dati niyang mapanghuhot na kabantugan.”
7.      “Bayang sumoso ang bisikleta sa suso ng traktora.”
8.      “Akala ko gusto mo ng isang lugar na matahimik? Isang lugar na mapanghamon?”
9.      “Ang kinikimkim na poot ay nagbibigay-daan sa pagtawa.”
10.  “Ang kanilang katapatan na maipag-kakaiba sa malalaking tiyang buntis.”

ISTILO NG PAGKASULAT NG AKDA

Sa haba ng nobela, sa katangian nitong lalim, iba’t ibang tagpuan, maraming tahuan, paiparating ni  Ngũgĩ wa Thiong'o ang gusto niyang sabihin tungkol sa mga nagaganap na inhustisya at hindi pagkapantay-pantay sa lipunan ng Kenya.


BUOD

Dumating sa Ilmorog si Godfrey Murina na nakasakay sa kabayong bakal patungo sa pintuan ng malumot at may dalawang kuwartong bahay sa dating bakuran ng isang paaralan. Bumaba siya sa kabayo nya at siya ay nakatayo habang nakapamaywang. Ang mga mata’y minamasdan ang abuhin at tuyong lumot ng dating mamuti-muti’t dilaw na pader. Sinubukan nyang pumunta sa pinto at sinubukan ang seradura habang itinutulak ito ng kanyang balikat. Lumagapak siyang pumasok sa isang silid na puno ng patay na mga gagamba at ang pakpak ng mga langaw ay nasa mga agiw sa lahat ng mga pader hanggang sa mga media-agua. Hinde nag tagal at may balitang dumating sa Ilmorog. Nanatili si Munira sa paaralan,at pagkaraan ng isang buwan bumubulong lahat sila sa kanilang sarili, akala nila sila ay medyo nasisiraan na.At mayroong batang gumuguhit ng mga tanda sa lupa sa pamamagitan ng daliri ng kanang paa. “ewan ko, ewan ko,” sabi niya na parang maiiyak. Pinawalan ni Munira pagkaraang makapangako na babalik si Muriuki at isasampa pa ang iba. Kaya bumalik sila nang may pag-iingat. Hinintay niya si Munira sa kabila ng Kei-apple na bakod ng paaralan.Si Abdulla’y bagong salta rin sa Ilmorog. Siya at patpating si joseph ay dumating sa amin sakay ng isang karitong hila-hila ng asno at puno ng iba’t ibang uri ng mga sufurias at mga plato at mumurahing kumot na ibinuhol para maging pansamantalang mga supot. Pumasok si Munira sa lugar sa pamamagitan ng pintuan sa likod at naupo sa gilid ng isang lumalangitngit na bangko. Nakapagtataka iyon, binulong niyang muli sa sarili, samantalang ginugunita ang pagtatagpo sa matandang babae habang hinihintay niyang dalhan siya ng beer na Tusker ni Joseph. Hinde pa siya nagsisimula ng kanyang pag-inom ay may sumali sa kanyang mesa na tatlong matipuno na lalake. Sila ang mga pantas na mga tao, ang athamaki ng nagsasakang komunidad. Sila ang mga lumulutas ng mga hidwaan ng lahat. Si Njugunay ay may ambisyon na makapagsuot siya ng ngome sa mga buko ng kanyang mga daliri. Walang hilig si Munira sa pagsasaka. Palaging napag-uusapan ng mga magbubukid  na sila’y pinagbabantaan ng pagdating ng tagtuyot, wari bang ang pagsisiwalat ng kanilang mga pangamba ay makapipigil  sa pagdating ng ganitong mga kapahamakan. Pinuri naman ni Muturi si Munira. Sinamantala naman ni Munira ang pagkakataon para ipaliwanag nang mabuti ang mga pag-asam sa hinaharap ng paaralan at ipinakiusap ang kanilang pakikiisa. Minsang pag tumakbo-takbo sa tagaytay, nakahuli ng ilan at sinabihan niyang sabihan ang iba pa na siya’y nagtawag ng asamblea sa paaralan. Ngunit lima lang ang sumipot pero sya ay nagpatuloy sa kanyang asamblea. Isang lugar na napakalinis at maayos ang opisina ni Mzigo. Nakipag-usap siya kay Mzigo tungkol sa paaralan. Inisip ni Munira si Abdulla ng sya’y tanungin ni Mzigo. Marahil hindi niya naunawaan sina Nyakinyua, Abdulla, Njogu, Njuguna, Ruoroo at lahat pa ng iba, napaglimi-limi niya ngayon. Wala siyang binanggit na anuman ukol sa kanyang pagbibitiw o balak na pagpapalipat .Nangolelta siya ng mga tisa aklat pansanay,at mga papel sulatin “G.Mzigo ,seyoso ba kayo…totoo ba ang sinabi mo ngayon ?”Na ako’y makakapangalan ng tulog mula sa UT?” “Oo G. Munira basta dalhin mo sila sa akin para mabigyan ng pormal na paghirang Gusto kong makitang lumaki ang paaralang iyan .Gusto kong makitang lahat ng mga klase’y naidaraos.

1 komento:

  1. Coin Casino Review | Best Bonuses and Welcome Bonuses
    Coin Casino Review 2021 ✓ septcasino Get up to ₹500 Welcome Bonus ✓ Get 50 Free Spins or 20 Free Spins + หารายได้เสริม $2000 인카지노 Bonus.

    TumugonBurahin